Isip-isip
Dumalo si Manny Pacquiao sa 13th Gabriel ‘Flash’ Elorde Memorial Awards nu’ng Lunes sa Sofitel Hotel ay pinalad tayong makapanayam ang ating Pambansang Kamao.
Sinabi kong pinalad dahil sa dami ng tao na nagsiÂsiksikan makalapit lang kay Pacquiao.
Napansin kong walang nagbago sa kanyang kasikatan. Halos lahat ay gustong magpalitrato sa kanya. May mga nagpataas pa ng kamay sa kanya na akala mo ay kumakampanya.
Dinumog din siya ng media at inulan ng tanong.
Pero walang naibigay si Pacquiao tungkol sa kanyang susunod na laban. Wala daw sa isip niya ang boÂxing ngayon. Kundi nasa eleksyon.
Tatakbong muli bilang Congressman si Pacquiao sa Sarangani.
Ang asawang si Jinkee naman ay gusto maging vice-governor, samantalang ang kapatid na si Roel ay gusto din maging mambabatas.
Busy nga naman si Pacquiao sa kampanya kaya ayaw niya mapag-usapan ang boxing.
Pero sino nga kaya ang kanyang naiisip na makalaban bago matapos ang taon na ito?
Kung ako ang tatanungin, puwede na siguro ang reÂmatch kay Timothy Bradley. Mukhang mas komporÂtable ako kay Bradley.
Alam na natin ang karakas ni Bradley. Kaya ni PacÂquiao tanggapin ang mga suntok niya. At kung lalaban lang siya ng harapan ay baka hindi niya kayanin ang suntok ni Pacquiao. Huwag lang siya tumakbo.
Mukhang next year na mangyayari ang ika-limang laban ni Pacquiao kay Juan Manuel Marquez kaya sa mga patapos na buwan ng 2013 ay puwede niyang labanan si Bradley.
Iyan ang pananaw ko.
Ayaw kasi talaga magsalita ni Pacquiao tungkol sa suÂsunod niya na laban. Hindi pa daw niya alam kung kailan, sino at saan.
“Ito lang ang masasabi ko sa inyo. Kung sino man siya ay siguradong boksingero ang sunod kong kalaban,†pabirong sabi ni Pacquiao.
Sana nga ay boxer at hindi runner.
- Latest