Fil-Ams may tsansang mapasama sa National team
MANILA, Philippines - Hindi lamang ang mga local players kundi maÂging ang mga Fil-Ams ay magkakaroon ng pagkakataon na mapasama sa binubuong National team sa volleyball.
Sa programang inilatag ng National Team Task Force, kasama sa kanilang plano ay ang magpa-tryouts sa mga Fil-Americans sa hangaring mapalakas ang bubuuing koponan.
Ang Task Force ay pinaÂngungunahan ng dating Philippine Volleyball FedeÂration (PVF) secretary-geÂneral Vangie de Jesus at hangad nilang makabuo ng solidong women’s National team na maaaring ilaban sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.
“Ang ginagawa natin dito ay makabuo ng NatioÂnal women’s team dahil wala tayong team sa loob ng ilang taon. Ito ang dahiÂlan kung bakit noong 2005 SEA Games lamang nakasali ang Pilipinas at sa sumunod na tatlong SEAG ay wala tayong naipadala,†wika ni De Jesus.
Ang paglahok sa 27th SEA Games sa Myanmar ang isa sa kanilang target pero ang mas malaking plano ay ang maipasok uli ang bansa sa World Championship.
Sa ngayon ay puspusan ang 30 manlalaro na bumubuo sa pool sa kaÂbaÂbaihan sa pagsasanay dahil plano silang isali sa World Championship qualification sa Hunyo 10 hanggang 16 sa di pa malamang venue.
“Prestigious tournament itong World Championships at noon pang 1974 nakasali ang Pilipinas. Kaya ito ang isa sa nais nating magawa,†ani pa ni De Jesus.
Bago ito ay hahatiin ang kasapi ng pool para lumahok sa dalawang kompetisÂyon sa Mayo.
Isang training camp muÂna sa Thailand ang gaÂgawin para matiyak na nasa kondisyon ang mga panlaban sa Philippine National Games sa Manila sa Mayo 25 hanggang Hunyo 1 na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa Thailand 1st Division Volleyball Championship mula Mayo 25 hanggang 31.
Plano rin ang pagpapadala ng koponan sa 17th Asian Women’s Volleyball Championship sa Thailand mula Setyembre 13 hanggang 21.
Nananalig si De Jesus na maisasakatuparan nila ang lahat ng plano kahit patuloy na kinikilala pa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang liderato ni Gener Dungo bilang paÂngulo ng samahan.
- Latest