‘Di garantiya ang 6-dikit na panalo hanggang playoffs San Miguel minaliit ni Purves
MANILA, Philippines - Minaliit ng nagdedepensang Indonesia Warriors ang mainit na paglaÂlaro ng San Miguel BeerÂmen sa 4th ASEAN Basketball League.
May anim na sunod na panalo ang Beermen para makapantay sa tuktok ng anim na koponang liga ang Warriors sa 9-3 karta.
Aminado si Warriors coach Todd Purves na ma-lakas ang San Miguel Beer sa ngayon pero hindi ito garantiya na magtutuluy-tuloy ito hanggang sa Playoffs.
Binalikan din niya ang nangyari noong nakaraang taon na kung saan maaga ring namayagpag ang Beermen pero kinapos sa Finals matapos talunin ng Warriors sa kanilang best-of-three series.
“You can infer whatever you like at this point. Make no mistake about it. They were the best team in the league this time last year,†wika ni Purves sa Fox Sports.
“The big games aren’t played till June,†dagdag pa ni Purves.
Triple-round robin ang format sa ABL elimination at nakatatlong pagtutuos na ang Beermen at Warriors na kung saan ang bataan ni coach Leo Austria ang nanalo sa head-to-head sa 2-1 baraha.
Magkakaroon ng pagkakataon ang Warriors na solohin uli ang paghawak sa liderato sa pagharap sa Chang Thailand Slammers kagabi sa Indonesia.
Sa kabilang banda, ang Beermen na huling nasaÂlang sa aksyon laban sa Singapore Slingers noong Marso 24, 68-61, ay sa Abril 6 pa ang balik sa court laban sa Slingers na gagawin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
- Latest