^

PSN Palaro

Viloria dumating na sa Macau para sa laban nila ni Estrada

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumating na si unified world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria sa Macau, China para sa kanyang title defense laban kay Me­xican challenger Juan ‘El Gallo’ Estrada sa Abril 6 sa Venetian Macao Resort Hotel.

“Made it to Hong Kong,” sabi ni Viloria sa kanyang Twitter account kahapon.

Kasama ni Viloria sa nasabing biyahe mula sa Los Angeles, California ang kanyang asawang si Erica, Filipino trainer na si Marvin Somodio at Mexican trainer Ruben Gomez.

Nakatakdang itaya ng 32-anyos na si Viloria ang kanyang mga hawak na World Boxing Organization at World Boxing Association flyweight titles laban sa 22-anyos na si Estrada.

Ibinabandera ni Viloria ang kanyang 32-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs, habang taglay naman ni Estrada ang kanyang 22-2-0 (17 KOs) slate.

Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Viloria sa Macau, China.

Sa kanyang pag-eensayo sa Wild Card Bo­xing Club ni trainer Freddie Roach, nakasabayan niya si  two-time Olympic Gold medalist Zou Shiming ng China na lalaban din sa kanyang boxing card.

Makakatapat ng 31-anyos na si Shiming, isang three-time gold medal winner ng World Amateur Boxing Championships, sa kanyang pro debut si Mexican Eleazar Valenzuela (2-1-2, 1 KO) sa isang four-round flyweight bout.

EL GALLO

FREDDIE ROACH

HAWAIIAN PUNCH

HONG KONG

KANYANG

LOS ANGELES

MACAU

MARVIN SOMODIO

MEXICAN ELEAZAR VALENZUELA

VILORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with