^

PSN Palaro

Pacquiao wala pa ring plano

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinabi ni Manny Pacquiao na masyado siyang abala sa kampanya at hindi na niya naiisip ang boxing.

“I’m very busy right now. Wala sa isip ko ang boxing,” wika ng 34-anyos na congressman sa 13th Gabriel “Flash” Elorde Memorial Awards at Sofitel Hotel noong Lunes.

Kahit saan siya magpunta, palaging tinatanong kay Pacquiao, natalo kina Tim Bradley at Juan Manuel Marquez noong 2012, ang susunod niyang laban.

Gustong malaman ng marami kung sino ang kanyang lalabanan at kung saan ito gagawin.

Maging ang kanyang promoter na si Bob Arum ay hindi ito alam.

“You can ask me after elections. Right now, there’s nothing. We haven’t even talked about anything regarding boxing,” wika ng boxer na nanalo ng walong world titles sa walong magkakaibang weight classes.

Hangad ni Pacquiao ang kanyang ikalawang termino bilang congressman ng Sarangani sa Mayo.

Hinahawakan din niya ang kampanya ng kanyang asawang si Jinkee, kandidato bilang vice governor, at kapatid na si Roel, tumatakbo sa congress.

“Busy talaga sa kampanya,” wika ni Pacquiao, nakatakdang bumalik sa General Santos City kahapon ng umaga.

Sinabi ni Pacquiao na gusto niyang magpunta sa Macau para panoorin ang laban ni Brian Viloria kay Juan Francisco Estrada sa Abril 6.

Ngunit masyado siyang abala.

“I have something on that date,” sabi ni Pacquiao.

vuukle comment

BOB ARUM

BRIAN VILORIA

ELORDE MEMORIAL AWARDS

GENERAL SANTOS CITY

JUAN FRANCISCO ESTRADA

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with