Air21 tinulungan ni Cortez sa 2-sunod na panalo
MANILA, Philippines -Bukod sa pamamahala sa mga play ng Air21, kailangan din ni pointguard Mike Cortez na umiskor.
“Right now we are not only asking him to run the team but to score also,†sabi ni coach Franz Pumaren sa 32-anyos na 2003 top pick overall. “That’s why once in a while we are using him as a 2-guard.â€
Tinulungan ni Cortez ang Express sa huling dalawang sunod na panalo nito para hirangin bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week sa elimination round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup.
Sa kanilang tagumpay laban sa nagdedepensang San Mig Coffee at GloÂbalport, nagposte ang tinaguriang ‘Cool Cat’ ng mga averages na 13.5 points at 6.0 assists.
Sinuportahan ng dating pambato ng De La Salle Green Archers si import Michael Dunigan sa kanilang 87-82 paggupo sa Mixers kasunod ang kanilang 87-72 paglampaso sa Batang Pier.
Sa kanilang pananaig sa Globalport, naglista si Cortez ng 14 points, 7 rebounds at 6 assists, habang kumayod naman ang 23-anyos na si Dunigan ng 22 points, 15 rebounds at 8 assists para sa ikaapat na sunod na panalo ng Air21.
Dinaig ni Cortez para sa nasabing karangalan si Barangay Ginebra playmaker LA Tenorio na nagtatala ng mga averages na 16.5 points, 7.0 rebounds at 5.0 assists.
- Latest