Big Chill balik sa porma
Laro ngayon
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. Blackwater Sports vs Cebuana Lhuillier
4 p.m. NLEX vs Hog’s Breath
MANILA, Philippines - Lumabas uli ang tunay na laro ng Big Chill para pangunahan ang mga naÂnalo gamit ang kumbinsidong pamamaraan sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ipinagdiwang ng Superchargers ang pagbabalik ng pointguard na si Terrence Romeo sa pamamaÂgitan ng 82-60 pagdurog sa Boracay Rum.
Ipinakita na maayos na ang na-injured na kamay, si Romeo ay naghatid ng 15 puntos, at walo rito ay ginawa nang pinakawalan ng tropa ni coach Robert Sison ang mahalagang 17-0 bomba upang angkinin ang first period sa 22-6 kalamangan.
“Malaking tulong ang pagbabalik ni Terrence dahil tumaas ang morale ng mga players,†wika ni SiÂson na bumangon din mula sa di inaasahang 63-69 pagkatalo sa kamay ng baguhang Hog’s Breath.
Si Janus Lozada ay mayroong 18 puntos kaÂsaÂÂma ang apat na tres, habang si Arvie Bringas ay may 16 puntos at ang Superchargers ay hindi na lumingon pa matapos ang unang yugto.
Nakita ng Waves ang two-game winning streak na natapos sa pagyukod sa Big Chill.
Binomba rin ng puntos ng Cagayan Valley ang Informatics Icons, tungo sa 98-56 panalo habang inangkin ng Café France ang 92-69 tagumpay sa Jumbo Plastic sa ikatlong laro.
Si Forrester ay mayroong 17 puntos, 8 boards, 4 assists at 1 steal para pangunahan ang limang Rising Suns na may doble-pigurang puntos at ang tropa ni coach Alvin Pua ay nakaahon sa 85-89 pagyukod sa overtime sa Blackwater Sports.
Kumawala naman ng 33 puntos ang Café France para maisantabi ang mahinang laro sa first half tungo sa pagsalo sa Big Chill, Cebuana Lhuillier at Elite sa 2-1 karta.
- Latest