Football pitch ipapagawa ng PSC matapos bahain
MANILA, Philippines - Magiging bahagi na ng nakalipas ang tagpo na kung saan binabaha ang pitch ng Rizal Memorial Football Stadium.
Ito ay matapos tiyakin ni PSC commissioner Jolly Gomez na ipapaayos na ng ahensya ang pitch sa bandang Hunyo.
Ang reaksyon ni Gomez ay matapos bahain ang pitch noong Linggo makaraan ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ang pangyayari ay umaÂni ng pagpuna kina Azkals coach Hans Michael Weiss at Fil-German player Stephan Schrock.
“It was different than the last time I played. I was a bit disappointed; it was not what I expected,†wika ni Schrock na naglaro sa field noong 2011 laban sa Kuwait.
“It’s an absolute embarrassment,†wika ni Weiss. “The people who are handÂling these matters should really think deep because eventually, these players, they lose interest,†pahabol ni Weiss.
Inihayag ni Gomez na handa na ang pagsasaayos ng pitch para maging artificial pitch.
Para matiyak na hindi na ito mangyayari uli, nagdagdag ang PSC ng P5 milyong pondo para bumili ng water absorption system at mas maging maayos ang drainage ng field.
“After the Asian Five Nation Rugby Tournament in May, we are going to proceed with our plan to convert the Rizal Memorial into an artificial pitch. This will be completely different from the other artificial pitch in the country because we are spending extra P5 million for a water absorption system that will be under the artificial turf,†wika ni Gomez.
Maging ang track oval na kung saan napag-iipunan ng tubig-ulan ay aayusin din at papantayin.
“The inside lane will also be renovated to level the drainage of the field. The situation yesterday (Sunday) will not happen with this new field,†pagtitiyak ni Gomez.
- Latest