Bautista idedepensa ang korona vs Ramirez
CEBU CITY, Philippines --MagdeÂdepensa ng kanyang korona si Rey “Boom Boom†Bautista laban kay Josel Ramirez sa susunod na buwan at umaasang mabibigyan muli ng isang title shot.
“Against Ramirez, we would like to see if Boom Boom is ready for another world title shot,†sabi ni ALA Promotions president at CEO Michael Aldeguer kay Bautista na nanalo kay Daniel Diaz via split decision limang buwan na ang nakararaan sa Maynila.
Itataya ni Bautista, may 34-2-0 record, kasama rito ang 25 KOs, ang kanyang WBO International featherÂweight crown kontra kay RamÃrez (24-3, 15 KOs) sa main event ng Pinoy Pride XIX-Mexican Invasion fightcard sa Abril 20 sa University of Southeastern Philippines (USEP) Gym sa Davao City.
Matapos ang kanyang first round knockout loss kay Daniel Ponce de Leon ng Mexico para sa kanyang unang world championship bout noong Agosto 11, 2007 sa Arco Arena sa Sacramento, California, isang beses pa lamang natalo ang 25-anyos na si Bautista sa kanyang huling 12 laban.
Kasalukuyang sumasakay ang tubong Candijay, Bohol sa isang eight-fight winning streak, ngunit sinabi ni Aldeguer na kailangan pa rin ni Bautista na ipakita na siya ay isang world title contender.
“Not a lot of people know that Boom Boom’s main arsenal is his left hand and it is the same hand that had major surgery. It was only the second half of last year that it was fully healed with no pain,†sabi ni Aldeguer.
- Latest