5 Pinoy world champs mangunguna sa Elorde boxing awards
MANILA, Philippines - Limang Filipino world champions, pinamumunuan ni WBO at WBC super bantamweight champion Nonito Donaire Jr., ang tatanggap ng parangal bukas sa13th Gabriel “Flash†Elorde Memorial Awards sa Sofitel Hotel.
Tatanggapin ni Donaire, naipanalo ang kanyang apat na world title matches noong 2012, ang Flash Elorde Memorial Belt, ang pinakamataas na karangalan na ibinibigay sa mga Filipino boxing champion bilang paggunita sa pang-78 birth anniversary ni Flash Elorde, ang pinakamatagal na naging world junior lightweight champion (1960-67).
Ang iba pang awardees ay sina WBO/WBA flyÂweight king Brian Viloria, WBO light flyweight titlist Donnie Nietes, WBC flyweight king Sonny Boy Jaro at IBF light flyweight ruler Johnriel Casimero.
Ang International at Philippine champions ng Class 2012 ay pararangalan sa Elorde Banquet of Champions na pangungunahan ng pamilya Elorde kasama ang kanyang asawang si Laura.
Tatayo namang guest of honor at speaker si Manny Pacquiao.
Ang masters of ceremonies ay sina Liza Elorde at Ted Lerner.
Ang event na inorganisa ng Johnny Elorde International Management ay inihahandog ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Cobra Energy Drink, Contour Splinting Services, Sofitel Hotel at Sanicare.
- Latest