^

PSN Palaro

Win No. 2 sasakmalin ng Azkals vs Cambodia

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Rizal Memorial Football Stadium)

MANILA, Philippines - Ang pagiging sariwa ng kanyang koponan ang siyang sasandalan ni Azkals coach Hans Michael Weiss sa pagbangga sa Cambodia sa pagpapatuloy ng 2014 AFC Challenge Cup Group E Qualifiers ngayong gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.

Galing ang Cambodia mula sa 0-7 pagkakalampaso sa kamay ng Turkmenistan noong Biyernes pero hindi nagkukumpiyansa si Weiss dahil may apat na manla­laro ng nasabing koponan ang hindi ginamit sa unang asignatura.

“We are fully fresh, that puts them on a high pressure. I hope their top four players that they mixed on training play so we have an exciting match against them,” wika ni Weiss na pinanood ang laban ng Cambodia at Turkmen.

Sa ganap na alas-7:30 ng gabi magsisimula ang tagisan at pakay ng Azkals na kunin ang ikalawang sunod na panalo para pantayan ang karta ng Turkmenistan.

Ang Pilipinas at Turkmen ang magtutuos sa pagtatapos ng laro sa Martes para malaman kung sino ang lalabas na number one sa Qualifiers.

Aabante sa Maldives ang kampeon ng limang Qualifiers habang ang dalawang pumangalawang koponan na may pinakamataas na puntos ay magpapatuloy din ng laban.

Hindi pa tiyak kung makakalaro si goal keeper Neil Etheridge dahil may sisilbihan siyang one-game suspension pero nasa koponan naman si Roland Muller na ayon kay Weiss ay nasa magandang kondisyon dahil batak sa laro.

Pinalakas pa ang Azkals ng pagdating ng mga mahu­husay na Fil-Foreigners na sina Stephan Schrock, Dennis Cagara at Juan Luis Guirado bukod pa sa pagpasok ng baguhang si Javier Patino.

Ang mga locals ay pinamumunuan naman nina Chieffy Caligdong at ang magkapatid na sina Phil at James Younghusband.

 

ANG PILIPINAS

AZKALS

CHALLENGE CUP GROUP E QUALIFIERS

CHIEFFY CALIGDONG

DENNIS CAGARA

HANS MICHAEL WEISS

JAMES YOUNGHUSBAND

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

WEISS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with