Viloria mapapalaban nang husto kay Estrada
MANILA, Philippines - Inaasahan ni unified world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria na mismong si Mexican challenger Juan ‘El Gallo’ Estrada ang magsisimula ng aksyon.
“He is going to bring it to me. He is a typical Mexican fighter who wants to go toe to toe. I expect a tough fight against Juan Estrada,†sabi ni Viloria.
Nakatakdang itaya ni Viloria ang kanyang mga suot na World Boxing Organization at World Boxing Association flyweight titles laban kay Estrada sa Abril 6 sa Venetian Macao Resort Hotel sa Macau, China.
Ayon kay Viloria, isang mapanganib na kalaban si Estrada lalo na at hangad nitong maagaw ang kanyang mga korona.
“He tries to outwork you and is a hungry fighter. He has nothing to lose. Those are always the dangerous fighters. He’ll will bring his A game,†ani Viloria.
Kasalukuyang bitbit ng 32-anyos na si Viloria ang kanyang 32-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs. Taglay naman ng 24-anyos na si Estrada ang 22-2-0 (17 KOs) slate.
Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Viloria sa Macau, China.
“I am excited to be fighting in Macau,†ani Viloria. “It’s way better to be fighting there instead of Alameda Swap Meet. I actually fought at a swap meet once, but Macau is going to be great.â€
Sa kanyang pag-eensayo sa Wild Card Boxing Club ni trainer Freddie Roach, nakakasabay niya si two-time OlymÂpic Gold medalist Zou Shiming ng China.
- Latest