76ers natakasan ng Nuggets
DENVER--Nagsalpak si Corey Brewer ng tatlong free throws sa huling 2.1 segundo para igiya ang Denver Nuggets sa kanilang franchise-best winning streak na 14 sa pamamagitan ng 101-100 pagtakas laban sa Philadelphia 76ers noong Huwebes ng gabi.
Sinupalpal ni Anthony Randolph ang desperadong jumper ni Damien Wilkins sa pagtunog ng final buzzer para sa pang-16 sunod na panalo ng Denver sa Pepsi Center.
Humabol ang Nuggets sa 76ers ng limang puntos sa natitirang 10 segundo.
Kumonekta si Brewer ng isang 3-pointer sa huling 9.2 segundo na nagdikit sa Denver sa 98-100 kasunod ang foul niya kay Evan Turner sa natitirang 7.1 segundo.
Tumalbog naman ang dalawang free throw ni Turner, isang 75 percent free-throw shooter, para sa Philadelphia.
“It’s crazy. To be honest, I didn’t think we had any chanÂce of winning,’’ ani Brewer.
Matapos ang timeout, ibinigay ni Anthony Miller ang bola kay Danilo Gallinari, na ipinasa naman ito kay Brewer para sa isang 3-pointer kung saan siya binigyan ng foul ni Wilkins sa huling 2.1 segundo.
Tumapos si Brewer na may 29 points.
Umiskor naman si Miller ng season-high 21 points para sa Nuggets na hindi nakuha ang serbisyo ng mga may injury na sina Ty Lawson (right heel) at Wilson Chandler (left shoulder).
Sa Chicago, tumipa si LaMarcus Aldridge ng 28 points para banderahan ang Portland Trail Blazers sa 99-89 panalo laban sa Chicago Bulls.
Nagdagdag naman si Damian Lillard ng 24 at piÂnaÂganda ng Portland ang kanilang road record sa 10-25 para walisin ang Bulls ngayong season sa unang pagÂkakataon matapos noong 2008-09 season.
Tinalo na ng Blazers ang Chicago, 102-94, noong NobÂyembre 18.
- Latest