Bangis ng Turkmenistan natikman ng Cambodia
MANILA, Philippines - Nagpakita agad ng baÂngis ang Turkmenistan nang angkinin ang 7-0 panalo sa Cambodia sa pagbubukas kagabi ng 2014 AFC Challenge Cup Group E Qualifiers sa Rizal Memorial Football Stadium.
Apat na goals agad ang iniskor ng Turkmen sa first half para agad na itatak ang marka tungo sa paghablot ng ikalawang panalo.
Si Vladimir Bayramov ay naghatid ng dalaÂwang goals sa 24th at 37th miÂnuto habang ang iba pang kakampi na umiskor ng goal ay sina Amanov Arslanmyrat (8th), Berdy Shamuradov (74th), Abylow Guvanch (82nd) at Batyrov Gurbangeld (88th).
Ang isang goal ay nangyari sa own goal ni OM Thavrak ng Cambodia sa 42nd minuto ng labanan.
Kontrolado ang laro ng Turkmen na pumaÂngaÂlawa noong 2012 AFC Challenge Cup sa Nepal, matapos magkaroon ng 27 attempts at 13 ang on target.
Sa kabilang banda, ang Cambodia na binubuo halos ng mga under-23 plaÂyers dahil pinaghahandaan nila ang SEA Games sa Myanmar sa Disyembre, ay may tatlong attempts lamang para bumaba sa 1-1 karta.
Samantala, ginawaran ng tig-iisang panalo ang Pilipinas, Turkmenistan at Cambodia dahil sa pag-atras ng Brunei sa AFC Challenge Cup Group E Qualifiers na nagsimula kahapon sa Rizal Memorial Football Stadium.
Sa opisyal na website ng torneo, binigyan ng 3-0 panalo ang tatlong bansa nang ituring na default ang Brunei na umatras sa pagÂlahok ilang araw bago nagsimula ang kompetisyon.
Ipinaalam ng Brunei sa Asian Football ConfeÂderation ang desisyon na huwag lumahok noong Marso 20 at inilagay lamang ang salitang “unavoidable circumtances†sa dahilan ng pag-atras sa kompetisyon.
Ang Azkals ay sasalang sa aksyon sa Linggo laban sa Cambodia bago banggain ang Turkmen sa pagtatapos ng kompetisyon sa Martes.
Hanap ng host team na makuha ang pangunguna sa kompetisyon at balikan din ang Turks na umiskor ng 2-1 panalo sa Azkals sa 2012 AFC Challenge Cup semifinals sa Nepal.
Ang mga laro ng Pilipinas ay itinakda sa ganap na alas-7:30 ng gabi.
- Latest