Magpapa-drug test pa rin sa VADA Donaire nilayasan ni Conte
MANILA, Philippines - Bagamat iniwanan ni nutritionist at anti-doping advocate Victor Conte, ipagpapatuloy pa rin ni unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang kanyang pagsailalim sa anti-doping program ng Voluntary Anti-Doping Association.
“Regardless of my current standing of my relationship with Victor, I will still be actively enrolling myself in VADA and subjecting myself to 24/7/365 drug testing,†wika ni Donaire kay Conte.
Si Conte, dating naging kontrobersyal dahil sa kanyang anti-doping advocacy, ang siyang nagbibigay kay Donaire ng mga blood-testing at hypoxic training equipment bukod pa ang pangangalaga sa kanyang kalusugan.
“I quit. I’m done working with Nonito. It was entirely my decision,†sabi ni Conte sa kanyang pag-alis sa kamÂpo ni Donaire.
Maliban kay Conte, umaÂlis na rin sa Team DoÂnaire si world-class sprint coach Remi Korchemny.
Inaasahang magkakaroon ng epekto ang pag-alis nina Conte at Korchemny sa paghahanda ni Donaire para sa kanilang unification fight ni Cuban titlist GuilÂlermo Rigondeaux sa Abril 14 (Manila time) sa Radio City Music Hall sa New York.
- Latest