San Miguel tinungga ang ika-5 sunod na panalo sa ABL
MANILA, Philippines - Umangat sa limang sunod na panalo ang San Miguel Beermen matapos ang 80-55 panalo sa Saigon Heat sa pagtatapos ng ASEAN Basketball League (ABL) Hoops Fest noong Linggo sa Tahn Bihn Stadium, Ho Chi Minh City sa Vietnam.
Mabangis ang opensa ng Beermen nang tumapos sila tangan ang 51% shooting (32-of-63) habang ang mga higante ay nagdomina sa rebounding, 39-19, para kunin ang 8-3 baraha.
May 20 puntos si Chris Banchero, habang ang mga imports na sina Brian Williams at Justin Williams ay naghatid ng 16 at 11 puntos.
Humakot pa ang dalawang imports ng kabuuang 26 rebounds habang may apat na blocks si Justin upang trangkuhan ang matibay na depensa ng Beermen.
“Since the start of the season, we put premium on our defense. The Heat also felt the loss of Dior Lowhorn. We have a lot of bigmen and it’s hard for any team to beat us with a smaller line-up,†pahayag ni Beermen coach Leo Austria na hinawakan din ang 3-0 karta sa Heat sa kanilang head-to-head.
May iniindang pananakit ng tiyan si Lowhorn para hindi makalaro sa ikalawang sunod na labanan upang maiwan na mag-isa si David Palmer. Hindi rin nakatulong sa Heat ang masamang 7-of-28 pagbuslo sa 3-point line para malaglag sa 3-7 karta.
Nanatili sa liderato ang nagdedepensang Indonesia Warriors matapos ang 84-67 tagumpay sa Westports Malaysia Warriors para sa 9-3 karta. Ang Warriors ay bumaba sa 6-6.
Nanalo rin ang Chang Thailand Slammers sa Singapore Slingers, 58-56, upang umangat sa 4-8 habang ang huli ay bumaba sa 4-7 baraha.
- Latest