Sa inaasam na unang Olympic gold Vargas may nakikitang pag-asa sa 4 na youth boxers
MANILA, Philippines - Maaga pa para gumawa ng prediksyon, ngunit sa ipinakita ng apat na Filipino teeners sa nakaraang Asian Youth Boxing Championships sa Subic, sinabi ni ABAP president Ricky Vargas na maliwanag ang pag-asa ng bansa para makamit ang kauna-unahang Olympic gold medal.
Nasa Subic si Vargas noong Sabado kung saan niya nasaksihan ang panalo ng apat na Filipino pugs sa gold medal round.
Inangkin ni General Santos City bet Jade Bornea ang gintong medalya sa lightflyweight division kasunod sina Binalbagan pride Ian Clark Bautista sa flyweight, Bago City pride James Palicte sa lightweight at si Zamboanga City pug Eumir Felix Marcial sa lightwelterweight.
Limang boksingero ang inilahok ng bansa sa natuÂrang 24-nation, 17-18 age group competition kung saan tanging si bantamweight Jonas Bacho ang nabigong makakuha ng medalya.
Sa kabuuan, isang beses lamang natalo ang mga Filipino sa 20 bouts.
Apat na ginto at isang pilak naman ang sinikwat ng Kazakhstan, habang isang ginto, apat na pilak at dalawang tanso ang inangkin ng Uzbekistan.
Isang gold, isang silver at dalawang bronze medals ang ibinulsa ng China, samantalang may 2 silvers at 2 bronzes ang Japan at kumabig ang Mongolia at Iran ng tig-isang silver at tig-dalawang bronzes .
Ang iba pang nakakuha ng mga tanso ay ang India (4), Iraq (2), Kyrgyzstan (1), Turkmenistan (1), Jordan (1) at Vietnam (1).
Ang mga bansang naglahok ng isang 10-man squad sa torneo ay ang Kazakhstan, Uzbekistan, China, India at Iran.
Dinoble ni Vargas ang bonus para sa apat na gold medalists sa P60,000 bukod pa ang dagdag na P10,000 kahati sina coaches Romeo Brin at Elmer Pamisa.
“You showed your ability to win in a major international tournament,†ani Vargas sa mga nagwagi.
- Latest