Howard gumana sa panalo ng Lakers; Heat ‘di maawat
INDIANAPOLIS--Nang hindi makalaro ng 100 porÂsiyento si Kobe Bryant, umasta na lamang siyang isang MVP coach.
Naglaro lamang ng 12 minuto bunga ng kanyang sprained left ankle injury, nanatili sa bench si Bryant kung saan siya nagreklamo ng mga tawag ng referees, nagturo ng plays at tinuruan si Dwight Howard.
Walang naiskor si Bryant sa ika-15 pagkakataon sa kanyang 17-year NBA career, habang tumapos si Howard na may 20 points, kasama dito ang panablang three-point play sa huling 90 segundo, para igiya ang Los Angeles Lakers sa 99-93 panalo laban sa Indiana Pacers.
“It really just continued to swell and I couldn’t put any weight on it, so I called it a night,’’ ani Bryant.
Nagkaroon ng injury si Bryant nang matapakan ang paa ni Dahntay Jones sa kabiguan ng Los Angeles sa Atlanta Hawks kamakalawa.
Inobserbahan ni coach Mike D’Antoni si Bryant sa warm-ups, at kinausap ang kanilang medical staff at ang five-time NBA champion bago siya isama sa starting lineup laban sa Pacers.
Sa loob ng 12 minuto, nagtala si Bryant ng 0-for-4 fieldgoal shooting. At nang umupo siya sa bench y hindi na pinaglaro si Bryant.
Sa Milwaukee, umiskor sina LeBron James at Chris Bosh ng tig-28 points para tulungan ang Miami Heat na makuha ang ika-21 sunod na panalo mula sa 107-94 paggiba sa Milwaukee Bucks.
Tatlong koponan lamang ang nagposte ng higit sa 20 sunod na panalo sa isang season.
Ang mga ito ay ang 1971-72 Los Angeles Lakers (33) at ang 2007-08 Houston Rockets (22) matapos lampasan ng Heat ang 1970-71 Bucks (20).
- Latest