Bakbakang Casimero-Rios ngayon na
MANILA, Philippines - Itataya ni Filipino world light flyweight champion Johnriel CaÂsimero ang kanyang hawak na korona sa paghahamon ni Panamanian challenger Luis “Pan Blanco†RÃos ngayon sa Megapolis Convention Center ng Hard Rock Hotel Panama.
Sinabi ng 23-anyos na tubong Ormoc City, Leyte na si Casimero na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para patuloy na isuot ang kanyang International Boxing Federation belt laban sa 22-anyos na si Rios.
“HIndi ako papayag na mawala sa akin itong IBF title ko. Pinaghirapan ko ito at hindi ko ito basta-basta isusuko kay Rios,†wika ni Casimero.
Kasalukuyang hawak ni Casimero ang kanyang 17-2-0 win-loss-draw ring record kaÂsama ang 10 KOs kumpara sa 18-1-1 (13KO’s) slate ni Rios.
Sakaling manalo kay Rios, isang unification fight ang binabalak ni Filipino promoter Sammy Gello-ani para kay Casimero alinman kina World Boxing Council (WBC) champion Adrian Fernandez ng Mexico at World Boxing Association (WBA) titlist Roman Gonzales ng Nicaragua.
Kumpiyansa naman si Rios na maagaw niya ang bitbit na IBF title ni CaÂsimero.
Matagumpay na naiÂpagÂtanggol ni Casimero ang kanyang suot na IBF light flyweight crown kontra kay Mexican challenger Pedro Guevara via split decision noong nakaraang taon sa Centro de ConÂvenÂÂciones sa Mazatlán, SiÂnaloa, México.
Nasa undercard naman ang laban ni John Mark “Iceman†Apolinario ng Maasin, Sarangani kay dating two-division world champion Roberto “La Araña†Vasquez ng Panama para sa WBA interim bantamweight belt.
- Latest