Bornea, Marcial susuntok sa ginto
MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng mga subok na sa World Championships na sina Eumir Felix Marcial at Jade Bornea ang kanilang mataas na estado nang manaig sa hiwalay na katunggali para umabante na sa Finals sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships kahapon sa Subic Gym.
Pinaluhod ni Marcial sa second round ang panlaban ng Uzbekistan na si Anvar Turamov para kaÂtampukan ang 17-10 paÂnalo sa semifinals ng 64kgs. sa light welÂÂterweight division.
Lamang lang ng isang puntos, 5-4, si Marcial matapos ang unang round pero nanumbalik sa seÂcond round ang kanyang lakas dahil na rin sa suporta ng tao para ilayo na ang sarili sa 12-8.
“Napagod ako sa first round dahil bira ako nang bira. Pero nabuhayan ako sa second round dahil naririnig ko ang sigaw ng mga Filipino. Suntok, Pilipinas ang naririnig ko at ito ang nakatulong para makaÂbawi ako ng lakas,†wika ng 17-anyos na si Marcial na noong 2011 ay nanalo ng ginto sa World Junior Championships.
Naunang iwinagayway ni Bornea ang bandila ng Pilipinas nang kunin ang 17-10 panalo laban kay Shatlykmrat Myradov ng Turkmenistan sa light flyweight division.
Sabayan agad ang dalawa sa first round pero nanalo sa palitan ang 17-anyos tubong GeÂneral Santos City na umani ng bronze sa 2012 World Youth Championships.
“Hinusayan ko dahil isang araw na lang ang labanan. Malaking tulong ang suporta ng mga manonood at sana patuloy nila kaÂming suportahan hanggang bukas,†pahayag ni Bornea.
Sunod na katunggali ni Bornea ay ang manaÂnalo sa pagitan nina Lalitha Polipalli ng India at Kosei Tanaka ng Japan habang ang mananalo kina Hikaru Okishima ng Japan at Batzorig Otgonjorgal ng Mongolia ang kalaban ni Marcial sa Finals ngayong hapon.
Dalawa pang lahok ng host country na sina flyweight Ian Clark Bautista at lightweight James Palicte ang nagtangka pa ng puwesto sa Finals kagabi.
Kalaban ni Bautista si Masaya Kobayashi ng Japan habang kasukatan ni Palicte si Norobal Otgontumuk ng Mongolia.
- Latest