^

PSN Palaro

Donaire, Gabuco babandera sa mga awardees: Gabi ng mga atleta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magniningning ang ga­bi sa pagbibigay sa mga atleta at personalidad na nagbigay ng karangalan sa bansa sa taong 2012.

Kabuuang 59 persona­lidad ang pararangalan sa Philippine Sportswriters Association (PSA)-MILO Annual Awards Night sa grand ballroom ng Manila Hotel.

Nasa honor roll list sina world title holders Nonito Donaire Jr. at Josie Gabuco kasama ang mga champion teams ng Ateneo Blue Eagles at Manila women’s sotfball.

Sila ang mga co-winners ng PSA Athlete of the Year award na ibibigay ng pinakamatandang media organization sa bansa sa ilalim ni president Rey Bancod ng Tempo.

Magsisilbing guest of honor at speaker si sportsman-businessman Mikee Romero at makakasalo sa center stage sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose `Peping’ Cojuangco at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ritchie Garcia.

Magsisimula ang event sa ganap na alas-7:30 ng gabi at pamumunuan nina basketball great Benjie Paras at Ai Dela Cruz bilang mga hosts bukod pa sa live performance ni Isabelle De Leon.

Isasaere ng DZSR Sports Radio 918 ang event na itinataguyod ng PSC, San Miguel Corp., Smart, Philippine Basketball Association, Globalport 900, Rain or Shine, LBC, Meralco, ni Senator Chiz Escudero, SM Prime Holdings, ICTSI at Philippine Golf Tour.

Ibibigay din sa two-hour, special ceremony ang major awards sa iba’t ibang sports, ang President’s Award (Smart Gilas Pilipinas), ang Executive of the Year (Chito Salud), ang NSAs of the Year (SBP at NGAP), ang Mr. Football (Chieffy Caligdong at Eduard Sacapano), ang Outstanding High School Players (Axel Toni Ngui at Kirsten Chloe Daos), Tony Siddayao Award at iba pang special citations.

Mag-aalay ng isang minutong katahimikan at pagdarasal para sa mga prominenteng atleta at kaibigan ng Philippine sports na sumakabilang buhay no­ong 2012.

Tatanggapin ni Donaire ang kanyang ikatlong Athlete of the Year award mula sa PSA matapos no­ong 2007 at 2011 kung saan niya nakasalo bilang co-winner sina swimmer Miguel Molina at pool great Dennis Orcollo, ayon sa pagkakasunod.

Ito naman ang unang PSA award na makukuha ni Gabuco, ng Ateneo Blue Eagles at ng Manila wo­men’s softball team.

 

AI DELA CRUZ

ANNUAL AWARDS NIGHT

ATENEO BLUE EAGLES

ATHLETE OF THE YEAR

AXEL TONI NGUI

BENJIE PARAS

CHIEFFY CALIGDONG

CHITO SALUD

DENNIS ORCOLLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with