Pba D-League Foundation Cup: Bakers yumuko sa Elite
Laro Lunes
(San Juan Arena)
12 n.n. Fruitas vs Cebuana Lhuillier
2 p.m. Hog’s Breath Café vs Big Chill
4 p.m. Blackwater Sports vs Cagayan Valley
MANILA, Philippines - Binalikat ni Bobby Celiz ang Blackwater Sports para maisantabi ang maÂtinding laban na ipinakita ng Café France tungo sa 86-81 panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nagbagsak ng 10 sa kanÂyang 12 puntos sa huÂling yugto si Celiz at pinagningas ang mahalaÂgang 7-0 run na nagbiÂgay ng 78-68 kalamangan sa Elite na nagtiyak ng unang panalo sa 12-koponang liga.
Nanguna sa Blackwater si Kevin Ferrer sa kanyang 21 puntos, mula sa 7-of-12 shooting, habang si Allan Mangahas ay may 14 puntos at 6 assists.
Sina Mon Alvin Abundo at Raymund Maconocido ay naghatid ng 22 at 21 puntos para sa Bakers.
Samantala, bumalikwas ang Jumbo Plastic at Boracay Rhum mula sa pagkatalo sa unang asignatura nang kalusin ang mga hinarap na koponan.
Namuno uli para sa Giants si Aljon Mariano sa kanyang 17 puntos at 11 boards pero nakuha niya ang suporta nina Elliot Tan at Marvin Hayes na naghatid ng 13 at 11 puntos upang ilampaso ang baguhan ding Hogs Breath Café, 81-55.
Ginamit naman ng WaÂves ang 8-0 bomba maÂtapos ang huling tabla sa 83-all, upang kunin ang 93-85 panalo sa overtime laban sa Informatics sa ikatlong laro.
- Latest