^

PSN Palaro

Aguilar humarurot sa Kopiko motocross

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinomina ni Glenn “The Roc­ket” Aguilar ang mga matitikas na karibal na kinabibilangan ng mga foreign riders para makopo ang dalawang titulo sa premier class ng  Kopiko Astig 3-in-One Supercross Series kamakailan sa Basi City, Negros Orien­tal.

Pinagharian ni Aguilar sa harap ng halos 40,000 motocross fanatics ang mga labanan sa Pro Open (450cc)  at Pro Lites (250cc).

Tinalo ni Aguilar sa finals ng Pro Open (450cc) sina Dondon Yuson,  Bornok Mangosong at Jonjon Adlawan.

Nauna rito, nakuha ni Aguilar, isang PSA awar­dee, ang Pro Lites (250 cc) category kontra sa mga nabanggit na riders.

 Dahil  sa kanyang mga panalo,  nakopo ni Aguilar ang pangunguna sa overall standings patungo sa prestihiyosong Rider of the Year Award na ipagkakaloob sa pagtatapos ng 12-lef race sa susunod na taon.

Sina World number six Nikolaj Larsen ng Denmark at ang kanyang koponan na sumabak sa first leg sa Cebu ay hindi nakadalo.

Sa kabila nito, umabot sa 128 riders mula sa 64 koponan ang sumabak sa torneo na inorganisa ng Man & Machine Ra­cing Promotions.

vuukle comment

AGUILAR

BASI CITY

BORNOK MANGOSONG

DONDON YUSON

JONJON ADLAWAN

KOPIKO ASTIG

MACHINE RA

PRO LITES

PRO OPEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with