Big Chill nakaisa rin sa NLEX
Laro Huwebes
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
12 n.n. Café France
vs Blackwater Sports
2 p.m. Jumbo Plastic
vs Hogs Breath
4 p.m. Boracay Rum
vs Informatics
MANILA, Philippines - Winakasan ng Big Chill ang apat sunod na pagkatalo sa NLEX sa pamamagitan ng 86-77 overtime panalo sa pagbubukas ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa San Juan Arena.
Ang nakumpletong four-point play ni Arvie BriÂngas ang nagpasiklab sa 10-0 bomba sa huling 27.7 segundo sa extention para magkaroon ng sigla ang laban ng Superchargers.
Humugot ang tropa ni Big Chill mentor Robert Sison ng 19 puntos kay Bringas.
Naglaro ang Road Warriors ng wala ang mga higanteng sina Ian Sangalang at Greg Slaughter para makalasap ng pagkaÂtalo sa unang laro sa unang pagkakataon matapos ang limang conferences.
Bago ito ay naunang nanalo ang Cebuana Lhuillier sa Boracay Rum, 68-66, habang ang Fruitas ay namayagpag sa baguhang Jumbo Plastic, 81-56.
May 12 puntos ang baÂguhang si Alvin Padilla pero ang kanyang assist para kay Jessie Bustos ang nagbigay ng 66-64 kalamangan sa Gems may 62 segundo sa orasan.
Nagtala naman ng 54% shooting ang Shakers sa unang yugto para hawakan ang 29-12 kalamangan, bagay na hindi na kinaÂyang ahunan ng baguhang koponan.
Sina Anjo Caram, Carlo Lastimosa at Russel Escoto ay nagsanib sa 35 puntos habang si Escoto, Prince Laperal at Jan Colina ay nagtulung-tulong sa 31 rebounds, apat lamang mababa sa kabuuang reÂbounds na kinuha ng Jumbo Plastic (35).
May 15 puntos, 9 reÂbounds, 1 assists at 1 block si Aljon Mariano sa kanyang unang laro sa liga.
- Latest