2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing: 3 Pinoy sumuntok ng panalo
MANILA, Philippines - Magandang panimula ang naitala ng Pilipinas sa unang araw ng 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships nang manalo ang tatlong boksingero na sumabak sa aksyon kahaÂpon sa Subic Gym.
Sina flyweight Ian Clark Bautista, lightweight JaÂmes Palicte at welter Eumir Felix Marcial ang siyang nakitaan ng galing laban sa mga mahuhusay na katunggali upang umabante sa second round.
Sinandalan ni Bautista ang masigasig na diskarte sa tatlong rounds upang makuha ang 33-30 iskor sa count back at ideklarang panalo laban kay Kavinder Bisht ng India.
Kontrolado ni Bautista ang unang dalawang rounds, 6-4, at 8-7, pero bumangon ang Indian boÂxer sa ikatlo at huling round para maitabla ang labanan sa 10-all iskor.
Naipakita ni Palicte ang kanyang kalibre nang angkinin ng nagbabalik na national team member ang 11-9 tagumpay kay Yuuta Akiyama ng Japan habang si Marcial ay umukit ng RSC sa huling 2:02 ng second round kay Shamurat Cherkezov ng TurkmenisÂtan.
Hinawakan agad ni Palicte ang 6-4 kalamaÂngan matapos ang unang round at hindi na nagpaÂbaya para maikasa ang kumbinsidong panalo.
Ginanap ang laban matapos ang makulay na opening ceremony na kinatampukan ng pagdalo ni AIBA President Dr. Ching-Kuo Wuat ASBC executive director Aziz Kozhambetor na sinamahan ni ABAP president Ricky Vargas.
Magpapatuloy ang aksyon ngayon sa pagsaÂbak nina bantamweight Jonas Bacho at World Junior bronze medalist light flyweight Jade Bornea.
Kalaban ni Bacho si Ruchira Gunasena ng Sri Lanka, habang makikipagÂpalitan ng sunotk si Bornea sa Uzbeks na si MuÂrodjon Akhmadalieve.
- Latest