Perpetual Perps squad kampeon sa NCAA cheerleading
MANILA, Philippines - Ipinoste ng Perpetual Help ang isang ‘four-peat’ maÂtapos pagharian ang 88th NCAA cheerleading comÂpetition kamakalawa sa MOA Arena sa Pasay CiÂty.
Tinalo ng Las Piñas-based school ang second at third placers na ArellaÂno University at Emilio Aguinaldo College, ayon sa pagÂkakasunod.
“We really made sure that we came up with the toughest and best performance that’s why we really worked hard to make it near perfect,†wika ni Perpetual coach Ruf Rosario.
Ito ang pang-pitong tituÂlo ng Perps squad sa huling siyam na edisyon ng cheerleading competition.
Nakamit ng Perpetual ang premyong P100,000.
Nabigo lamang ang AlÂÂtas na magkampeon sa unang edisyon noong 2004 at 2008.
Ang Mapua Cheerping Cardinals ang nagwagi noÂong 2004 at dinomina naman ng Jose Rizal Pep squad ang kompetisyon noong 2008.
- Latest