^

PSN Palaro

Sa pagbubukas ng 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing WU, Vargas mangunguna sa seremonya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni AIBA president Ching-Kuo Wu ang pagbubukas ngayong hapon ng 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships sa Subic Gym sa Subic Bay Freeport.

Ang opening ceremony ay sa ganap na alas-5 ng hapon at mala-piyesta ang pagtatanghal na masisilayan upang bigyan ng mainit na pagsalubong ang halos nasa 300-katao na binubuo ng boksingero at opisyales mula sa iba’t-ibang bansa.

“Handang-handa na ang lahat para sa ASBC Championships,” wika ni ABAP executive director Ed Picson na walang tigil ang pagsalubong sa mga delegasyong du­mating kahapon.

Inaasahang nasa 23 bansa ang sasali at ang mga na­ririto na ay kinabibilanganan ng Kazakhstan, Uzbekistan, Turkmenistan, Sri Lanka, Nepal at Indonesia.

Inorganisa ng PLDT-ABAP katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ang laban ng Pilipinas ay ba­balikatin ng limang boksingerong sina Jade Bornea (49 kgs.), Ian Clark Bautista (52 kgs.), Jonas Bacho (56 kgs.), James Palicte (60 kgs) at Felix Eumir Marcial (64 kgs.).

Ang mga bigatin sa torneo ay ang China, Kazakhs­tan at India na magpapadala ng kumpletong team na binubuo ng 10 boksingero.

“Malakas din ang Arab countries pero expectations sa ating mga boksingero na bigay-todo sila sa bawat la­ban. Ang kailangan lamang natin ay mabigyan sila ng su­porta ng mga manonood lalo pa’t  libre ito sa publiko,” dagdag ni Picson.

ASIAN CONFEDERATION YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS

CHING-KUO WU

ED PICSON

FELIX EUMIR MARCIAL

IAN CLARK BAUTISTA

JADE BORNEA

JAMES PALICTE

JONAS BACHO

SRI LANKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with