Lim giniba ang Thai para sa ITF crown
MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Alberto Lim Jr. ang magandang paglalaro na ginawa sa Ajay Pathak Memorial Cup ITF 14-Under Developmental Championship Division I nang manalo kay Vorachon Rakpuangchon ng Thailand, 6-2, 6-2, sa boys’ singles finals kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Hindi nakitaan ng mga unforced errors ang 13-anÂyos at top seed na si Lim bukod pa sa matibay na groundstrokes para kunin ang kauna-unahang titulo sa ganitong kompetisyon.
Ito ang ikalawang taon na sumali sa Lim sa torneo at hinigitan niya ang dalawang quarterfinals noong 2012.
“Ang ganda ng laro ko ngayon. Feeling ko, mas nadevelop ako kumpara noon sa Phinma. Nag-improve talaga ang footwork ko at mas tumapang ako sa court,†wika ni Lim, ang back-to-back NCAA MVP nang magkampeon uli ang Letran sa taong ito.
Hindi natalo sa apat na laro si Lim sa torneong inorganisa ng ITF Grand Slam Development Fund at PhiÂlippine Tennis Academy at inialay para sa nasirang ITF at Philta official Ajay Pathak.
Matapos ang bye sa first round, una niyang hiniya ay si Jiang Xingsheng ng China, 6-1, 6-0, bago isinunod sina Charles Roberts ng Thailand, 6-3, 6-0, at Parikshit Somani ng India, 6-0, 6-1.
Lalahok pa siya sa seÂcond week ng torneong may suporta ng Philippine Sports Commission (PSC), Technifibre Balls at Wilkins.
- Latest