^

PSN Palaro

Malaysia umatras dahil sa gulo sa Sabah

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaapekto sa pala­ka­san ang problema ng Pilipinas at Malaysia sa Sabah nang umatras sa paglahok ang Malaysian team sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships sa Subic gym.

Nagpadala ng electro­nic mail noong Biyernes si Major Wan Abdul Hamid, bise-presidente ng Malaysia Amateur Boxing Federation kay Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson upang ipaalam ang bagong kaganapan.

“Due to the armed conflict in Sabah, our National Sports Council has directed MABF to cancel our trip to Subic,” wika ni Hamid na humingi rin ng pang-uunawa sa ABAP sa desisyon.

Maging ang Pakistan na naunang nagkumpirma sa 26 bansang dadalo sa kompetisyong inorganisa ng PLDT-ABAP at may suporta ng Subic Bay Metropolitan Authority, ay maaaring umayaw na rin dahil wala pa silang ipinadadalang isked-­­ y­ul ng pagdating.

“We are equally disappointed that we in sports should be affected by political conflict. But we completely understand,” ani Picson sa kanyang tugon na liham.

Bagamat  maaaring na­sa 24 bansa na lamang, tiwala si Picson na patuloy na magiging makinang ang hosting na suportado rin ng PLDT, Smart, NLEX, Maynilad, Clarktel, Subictel, DOT, Tourism Promotions Board, Videogear Inc., Exile Lights and Sound, POC, PSC, Sony Phils., Coca Cola Bottlers at Nestle Philippines.

Inaasahang mangu­nguna sa mga dayuhan ang bansang China, dating mga Soviet Republics at Middle East countries.

 

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN CONFEDERATION YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS

COCA COLA BOTTLERS

ED PICSON

EXILE LIGHTS AND SOUND

MAJOR WAN ABDUL HAMID

MALAYSIA AMATEUR BOXING FEDERATION

MIDDLE EAST

NATIONAL SPORTS COUNCIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with