Ika-7 titulo pakay ng Altas Perps Squad
MANILA, Philippines - Pakay ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) na maÂkuha ang ikapitong titulo sa NCAA Cheerleading Championship na paglalabanan ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Isang three-time defenÂding champion ang Altas Perps Squad na hawak ni Ruf Van Rosario at pinaÂpaÂborang makaapat na sunod dahil handang-handa ang koponan para sa kompetisyon.
Sakaling mangyari ang inaasahang tagumpay, ito na ang lalabas bilang pinakamahabang chamÂpionship streak ng paaralan sa Cheerleading matapos makatatlong sunod noong 2005 hanggang 2007 at 2009 hanggang 2012.
“We expect all teams to give us a tough challenge because they all want to dethrone us. But we have been preparing for this tournament and we are ready to defend our crown,†wika ni Rosario.
Mangunguna sa magtatangka na mapatalsik ang Altas Perps Squad na nagkampeon na rin sa National Cheerleading Championship, ang Mapua CheerÂping Cardinals, JRU Pep Squad at Letran Cheering Squad.
Ang Mapua at Jose Rizal ang dalawang paaralan na nakakuha ng titulo sa kompetisyong sinimulan noong 2004 habang ang Letran ay dalawang beses na pumangalawa at tatlong beses na pumangatlo sa kompetisyon.
Ang iba pang kasali ay ang San Sebastian, College of St. Benilde, Emilio Aguinaldo College, San Beda College, Lyceum at Arellano University.
- Latest