^

PSN Palaro

Lim papalo sa semis, Jones sibak na

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipagpatuloy ni top seed Filipino netter Albert Lim Jr. ang magandang laro pero minalas na natalo si Fil-British Meredith Jones sa pagpapatuloy kahapon ng Ajay Pathak Memorial Cup ITF 14-Under De­velop­mental Championship Division I sa Rizal Memorial Tennis Center.

Hindi umubra si se­venth seed Charles Ro­berts ng Thailand sa matibay na hataw ni Lim tungo sa 6-2, 6-2, panalo para umabante ang 13-anyos na NCAA MVP sa semifinals.

Sunod niyang susu­bukin ay  si fifth seed Parikshit Somani ng India na pinatalsik ang unseeded na si Lee Wai Leuk ng Hong Kong, 6-0, 6-4.

Natapos naman ang pagpapakita ng galing ng eight seed na si Jones nang bumagsak kay fourth seed Jang Eunse ng Korea, 6-1, 6-2.

Bunga ng pagkatalo ni Jones, wala ng Pinay na kasali sa torneong iniaalay para sa namayapang ITF at Philta official  Ajay Pathak at suportado ng ITF Grand Slam Development Fund at ng Philippine Tennis  Aca­demy.

Ang isang semifinals sa boys division ay sa pagitan ng number two Vorachon Rakpuangchon ng Thailand at number three Sou Ming Chuan Alan ng Hong Kong.

Nanalo si Rakpuang­chon kay Vashisht Cheruku ng India, 6-2, 6-3, habang si Alan ay nangibabaw kay sixth seed Nitin Kumar Sinha ng India, 6-4,7-5.

 

AJAY PATHAK

AJAY PATHAK MEMORIAL CUP

ALBERT LIM JR.

CHAMPIONSHIP DIVISION I

CHARLES RO

FIL-BRITISH MEREDITH JONES

GRAND SLAM DEVELOPMENT FUND

HONG KONG

JANG EUNSE

LEE WAI LEUK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with