30 golds sa Pinoy shooters
MANILA, Philippines - Humakot ang Team Philippines, binanderahan ni top shooter at dating Olympian Jethro Dionisio, ng 30 gold medal sa 2013 Australasian IPSC (International Practical Shooting Confederation) Handgun Championships sa Rotorua, New Zealand.
Bukod sa 30 golds, humugot din ang mga Pinoy ng 22 silver medals at 11 bronze medals.
Sa individual awards, namayani ang bansa sa apat sa limang dibisyon.
Nanguna si Dionisio sa Standard Division mula sa kanyang 1992.4398 points, habang bumandera si Jeufro Emil Lejano sa Production Division buhat sa kanyang 1910.0408 points.
Namuno naman si Philipp Chua sa Revolver Division sa likod ng kanyang 2032.3391 points.
Binigo ng Team PhiÂlippines, ang firearms at training requirements ay sinuportahan ng top firearm manufacturer na Armscor Philippines, ang mga koponan mula sa 25 bansa para angkinin ang top spot sa Classic Division (5484.3188 points); Junior Division (4604.0492); Production Division (5496.1104); Revolver (Standard) Division (4255.7329); at Standard Division (General Category) (5708.6417).
- Latest