San Beda hari ng SEAOIL NBTC cagefest
MANILA, Philippines - Lumabas ang tibay ng Exceed 97 San Beda sa overtime upang maitakas ang 100-96 panalo sa Mako Hope Christian High School at angkinin ang SEAOIL National Basketball Training Center National High School Championship na pinaglabanan kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nakitang naglahong parang bula ang naunang ipinundar na 21-puntos kalamangan at napaabot pa sa extention, sinandalan ng Red Cubs ang husay ni Arvin Tolentino na siyang naghatid ng mga pamatay na buslo tungo sa kampeoÂnato ng koponan.
May 20 puntos si TolenÂtino at ang kanyang mahalagang buslo ay ang reversed lay-up na bumasag sa huling tabla sa 96-all.
Sa sumunod na play ay nadaplisan niya ang sana’y panablang buslo ni Leo Guion para tapusin ang laban ng Hope Christian na noong Huwebes ay hinirang na kampeon ng Tiong Lian.
Bunga ng magandang ipinakita sa torneo, si Tolentino ang hinirang bilang Outstanding Player ng torneo.
Sumuporta kay Tolentino sina Rev Diputado at Javee Mocon sa kanilang 18 at 17 puntos at ang tropa ni coach Britt Reroma ay nakaganti sa Hope Christian na unang hiniya sila sa championship ng Philippine Secondary School Basketball Championship.
Naitakda ang pagkikita ng NCAA champion San Beda at Hope Christian nang durugin ng una ang Smart Iloilo, 102-67, habang sa dikitang 73-66 nanalo ang huli sa Maynilad Cebu sa semifinals na nilaro kahapon din ng umaga.
Samantala, nanalo sa ikalawang sunod na pagkakataon at Team White na hawak din ni Reroma sa Team Dark, 92-78, sa All-Star Game.
- Latest