Paeng muling pinarangalan ng Guinness
MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakaÂtaon ay muling hinirang ng Guinness World Record si Filipino sports legend Paeng Nepomuceno matapos itaas ang kanyang career titles sa 124 mula sa dating 118.
Ilan sa mga titulong idinagdag kay Nepomuceno ay ang 2008 South Pacific Classic sa Melbourne, ang 2010 Bowling World Cup National Finals at ang 2011 Philippine International Open.
Si Nepomuceno, tinalo ang kasalukuyang world champion two-handed bowler na si Jason Belmonte sa South Pacific Classic finals, ang tanging foreign athlete na nagkampeon ng dalawang beses sa nasabing torneo.
Si Nepomuceno rin ang tanging pinakabatang naghari sa Philippine InterÂnational Masters champion sa edad na 17-anyos noong 1974 at 54-anyos noong 2011.
Hindi pa rin nababasag ang tatlong Guinness World Records ni Paeng.
Ang kanyang dalawang World Guinness Records ay para sa pinakabatang world bowling champion sa edad na 19-anyos nang manalo siya sa Bowling World Cup sa Teheran, Iran noong 1976 at ang ikalawa ay ang pagkakampeon niya ng tatlong world titles sa tatlong magkakaibang dekada.
- Latest