Guba nagbida, La Salle kampeon sa UAAP netfest
MANILA, Philippines - Bumangon si Martina Guba mula sa 4-5 iskor sa first set tungo sa 7-5, 6-0, panalo kay Lenelyn Milo at ibigay sa La Salle ang 2-0 sweep sa UST sa women’s lawn tennis na natapos kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Isinantabi ni Guba ang pananakit ng sprained right wrist, injury na tinamo sa UniGames noong Oktubre, at ang mga paltos sa paa upang basagin ang 2-2 tabla at ibigay sa Lady Archers ang kampeonato.
Masidhi ang hangarin ng La Salle na talunin ang Lady Tigresses matapos manalo ang huli sa una no-ong nakaraang taon kahit winalis ng Lady Archers ang double round elimination at may twice-to-beat sa Finals.
“Nag-train agad kami after last season dahil alam namin na amin talaga ang title,†wika ng 19-anyos na si Guba.
“Sa first set, nahirapan ako dahil apat ang pumutok sa blisters ko kaya hirap tumakbo. Pero sa second set, inisip ko lang na anim na games na lamang at panalo na kami kaya tiniis ko ang sakit,†dagdag ni Guba na nasa huling taon ng paglalaro at magtatapos sa kursong International Studies major in European Studies.
Sa singles kumamada ang tropang hawak ni coach Roland Kraut at si Regina Santiago ang nagbigay ng 1-0 kalamaÂngan kay Len Len Santos, 6-3, 6-1, habang si Marinel Rudas ay nanalo kay Macy Gonzales, 6-1, 6-3, para sa 2-1 kalamangan.
Ang UST ay nanalo sa doubles sa pamamagitan nina Dianne Bautista at Jhie Helar na tinalo sina Aira Putiz at Lynette Palasan, 6-1, 6-2, at sina April Santos at Zaza Paulino laban kina Nikki Arandia at Princess Castillo, 6-3, 6-2.
Ito ang ikaanim na titulo ng La Salle at pangatlo sa huling apat na taon at si Santiago ang nanalo bilang MVP at si Rudas bilang Rookie of the Year.
- Latest