^

PSN Palaro

Sangalang, Pascual ‘di isusuko ng NLEX

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipaglalaban ng NLEX Road Warriors ang kanilang karapatan sakaling may mga koponan na magnanais na kunin ang kanilang mga manlalaro.

May balitang magbubuo ng koponan ang dating pangunahing sponsor ng San Sebastian na si Lubao Mayor Dennis Pineda at sinasabing balak niyang hilingin na pakawalan ng Road Warriors ang mga dating manlalaro ng Stags na sina Ian Sangalang at Ronald Pascual.

Ang 6’6 na si Sangalang ang hinirang na Most Valuable Player sa katatapos na PBA D-League Aspirants’ Cup na dinomina ng tropa ni coach Boyet Fernandez tungo sa pang-apat na sunod na titulo sa liga.

“Priority namin ang mga schools pero sa akin lamang, puwede naming pakawalan ang mga players nila pero hindi dapat sila maglaro sa ibang team at kakalabanin kami. May contract sila sa amin at committed din sila at unfair ito sa management kung ganito ang mangyayari,” wika ni Fernandez.

Nagkaroon na ng inisyal na usapan ang NLEX at ang grupo ni Pineda ngunit wala pang linaw kung ano ang  kahihinat­nan  nito.

Lalabas na hindi school team ang la­laruan nina Sangalang at Pascual dahil nagpahayag na ang dalawa na hindi na maglalaro sa Baste sa papasok na NCAA season matapos ang pag-ayaw ni Pineda na tumayo uli bilang kanilang sponsor.

vuukle comment

BOYET FERNANDEZ

D-LEAGUE ASPIRANTS

IAN SANGALANG

LUBAO MAYOR DENNIS PINEDA

MOST VALUABLE PLAYER

PINEDA

ROAD WARRIORS

RONALD PASCUAL

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with