Masisibak na sa puwesto Dungo bilang na ang araw
MANILA, Philippines - Nabibilang na ang araw ni Gener Dungo bilang paÂngulo ng Philippine Volleyball Federation (PVF).
Ito ang pahayag kahaÂpon ng dalawang opisyales ng PVF na pinatawan ni Dungo ng suspensyon daÂhil sa pagbuo ng national team committee na magsasagawa ng tryouts para sa national women’s squad na ilalaban sa Myanmar Southeast Asian Games sa Disyembre.
“There is going to be an ouster letter (against Dungo) and more important, we will have it signed by the major stakeholders who really love the sport,†wika ni Dr. Adrian Laurel, inalis ni Dungo bilang PVF board member, sa PSA forum sa Shakey’s Malate.
“The UAAP, the NCAA, and the coaches and reÂferees who have lost confidence in the present PVF board are expected to sign this petition,†sabi pa ng daÂting UST varsity standout at kasalukuyang TV volleyball analyst.
Bukod kay Laurel, sinuspinde rin ni Dungo si daÂting national standout at PVF secretary general Vangie de Jesus, namuno sa pagbuo ng national team committee sa pangunguna ni veteran international volleyball official Ramon “Tats†Suzara.
Sumulat na sina Laurel at De Jesus sa Philippine Olympic Committee noong Lunes para idulog ang kanilang suspensyon sa PVF.
“Based on the PVF consÂtitution and by-laws, our term is for two years which we submitted to the POC and Securities and Exchange Commission,†ani Laurel. “If we were elecÂted in 2010, then we should have elections now.â€
Ayon sa dalawa, hanggang kahapon ay wala pa silang nakikitang kopya ng PVF board resolution na nagresulta sa kanilang kaparusahan.
“We were unceremoÂniously suspended. We did not see a board resolution, the attendance sheet and the board resolution number (of the decision). What we got was a mere photo copy of a memorandum,†ani Laurel. “That is why I consider my removal and Vangie’s suspension invalid.â€
- Latest