^

PSN Palaro

Padilla humiling sa POC na pigilan ang PNSA election

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inakusahan  ni National pistol champion Natha­niel “Tac” Padilla si Ronald Robles na gumagawa ng iregularidad upang hili­ngin sa Philippine Olympic Committee (POC) na huwag pahintulutan na ma­tuloy ang gaganaping Philippine National Shoo­ting Association (PNSA) election ngayong Sabado (Marso 2).

Ilan sa ipinuntos ni Padilla kay Robles ay ang pagsusumite nito ng talaan ng mga botante na hindi aprubado ng PNSA Board.

Nagpasa rin umano ng master list ng miyembro sa POC si Robles na walang pirma ng PNSA president o secretary-general na hindi sang-ayon sa alituntunin ng POC.

Si Robles ang iniupo bilang chairman ng Comelec ng PNSA at siya sanang mangunguna sa matiwasay na halalan na kakikitaan ng pagbaba na rin sa puwesto ng nakaupong pangulo na si Mikee Romero.

Si Romero ay mamamaalam na dahil kulang na ang kanyang panahon para pagsilbihan ang PNSA dahil sa ibang pinagkakaabalahan.

Pero sa pangyayaring ito, malamang na manatili pa siya sa loob ng ilang buwan o hangga’t hindi naidaraos ang isang halalan.

Si Padilla ay sumulat kay POC president Jose Cojuangco Jr. noong Pebrero26 para aksiyonan ang kanyang hinaing.

Hinimok din niya ang POC na siya ang mangasiwa sa eleksyon upang matiyak na magiging ma­ayos ito.

Nagkaroon na ng iri­ngan sina Padilla at Robles nang ihayag ng huli na tatanggalin niya ang pangalan ng una bilang botante dahil sa mga lumabas na isyu na iniimpluwensyahan niya ang ibang kasapi ng PNSA para iboto ang minamanok sa halalan.

Ngunit ang lahat ng ito ay pinabulaanan ni Padilla.

JOSE COJUANGCO JR.

MIKEE ROMERO

PADILLA

PHILIPPINE NATIONAL SHOO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RONALD ROBLES

SI PADILLA

SI ROBLES

SI ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with