^

PSN Palaro

Makabawi pa kaya?

FREETHROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Nagpalit na nga ng import, natalo pa rin!

Iyan ang kapalarang sinapit ng San Mig Coffee at Barangay Ginebra San Miguel sa magkahiwalay na ga­mes over the weekend.

 Ang Mixers ay tinambakan ng Rain or Shine, 93-65 noong Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Ikatlong talo ito ng defending champion Mixers sa sindaming laro.

Kinabukasan ay dumayo naman ang Gin Kings sa Mindanao Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte kung saan pinataob sila ng Alaska Milk, 84-69. Iyon ang ikaapat na sunod na kabiguang nalasap ng Gin Kings na ngayon ay hawak ni coach Alfrancis Chua na humalili kay Bethune ‘Siot’ Tanquingcen bago nagsimula ang Commissioner’s Cup.

Mabuti na lang at 14 games na ang elimination round ngayon at inter-intra na ang format sa halip na yung single round na original. Kung single round pa rin, malamang na tigok na ang Mixers at Gin Kings.

Pinarating ng Barangay Ginebra San Miguel bilang import si Vernon Macklin bilang kapalit ng unimpressive na si Herbert Hill na naglaro sa unang tatlong games nila.

Highly-regarded si Macklin at marami ang nagsabing baka ito ang magsilbing tagapagligtas ng Gin Kings. Kasi nga’y galing ito sa D-League  at kamakailan ay nakapaglaro sa All-Star weekend.

 So,  natural lang na in shape siya at mahusay siya. All-Star nga, e.

Pero gumawa lang ito ng 16 puntos at nagsimula lang umiskor sa second quarter. Habang pinapanood ko nga ang laro ay maraming nagte-text sa akin na mga kaibigan ko at nagtatanong kung bakit tila hin­di maganda ang performance ni Macklin. Mayroon pa ngang nagsabi na baka magaling daw kumanta tulad ni Don Maclean! E, hindi naman daw kantahan  ang labanan sa PBA!

Malupit na mga komentaryo. Pero galing ang mga iyon sa mga kaibigan kong fans ng Barangay Ginebra San Miguel.

Ang taas kasi ng expectations nila. Kasi nga naman, kung magpapalit rin lang ng import, dapat ay siniguro ng Gin Kings na mas magaling ang makukuha nila. Hindi yung mas magaling ang import na pinalitan kaysa sa dumating.

Mga komentaryo ng na-frustrate lang siguro iyon. Naiinip maghintay.

Sabi ko na lang na may 10 games pa ang Gin Kings at puwede pang makahabol. Ewan ko kung naniniwala silang makakahabol ang kanilang paboritong koponan.

Kung disappointing ang Gin Kings, aba’y higit na disappointing ang Mixers. Sila ang defending champions, e. Pero hindi nila ipinapakitang sila nga ang nag­ta­tanggol na kampeon.

Understandable ang 79-75 pagkatalo nila sa Barako Bull sa unang laro dahil sa hindi nila nakasama ang original import na si Matt Rogers na masama ang tiyan.

Pero kahit na naglaro si Rogers ay tinambakan pa rin sila ng Petron Blaze, 98-73. Kaya tuloy may nagsabing sana’y masakit na lang ang tiyan ni Rogers noon at baka mas maganda ang nilaro ng Mixers.

Pinauwi si Rogers at pinabalik ang reigning Best Import na si Denzel Bowles na tumulong sa San Mig Coffee na magkampeon noong nakaraang season.

Aba’y mas tambak ang nangyari!

Import ba talaga ang may diperensya? Para kasing iba ang problema, e.

Sana ma-solve ni coach Tim Cone ang problema niya bago magtuluy-tuloy ang pagdausdos ng kanyang koponan.

May 11 games pa silang natitira at sapat iyon para sila makabawi!

vuukle comment

ALASKA MILK

ALFRANCIS CHUA

ANG MIXERS

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

GIN KINGS

LANG

PERO

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with