Saludar maningning ang pagbabalik; Davao hinirang na overall champion
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni 2010 Asian Games bronze medaÂlist Victorio Saludar ang laban ng Davao del Norte na hinirang bilang pinakamahusay na delegasyon sa pagtaÂtapos ng PLDT-ABAP National Championship noong Biyernes sa Maasin, Southern Leyte.
Halos isang minuto pa lamang ang dumadaan sa first round nang itigil na ng referee ang laban dahil bugbog-sarado na ni Saludar si Michael Kaibigan ng host province sa elite light flyweight division.
Ito ang unang laban ni Saludar sa huling dalawang taon at namahinga siya dahil sa tinamong injury. Ang ipinakitang magandang laban ang magreresulta upang irekomenda uli si Saludar sa national pool ni ABAP exeÂcutive director Ed Picson.
May pitong ginto at dalawang pilak ang napanalunan ng Davao del Norte para lumutang bilang pinakamahusay na delegasyon na lumahok sa kompetisyon.
Sina Jolan Bunghanoy (52kg), Quirino Mellejor Jr. (56kg) at Risty Apas (60kg) ang nakasama ni Saludar na nanalo sa elite sa kanilang delegasyon.
Ang Bago City ang pumangalawa sa tatlong ginto, 1 pilak at 5 bronze medals habang ang Misamis Oriental ang pumangatlo sa dalawang ginto, 4 pilak at 4 bronze medals.
- Latest