^

PSN Palaro

Bryant nanalasa sa Lakers

Pilipino Star Ngayon

LOS  ANGELES--Umis­­kor si Kobe Bryant ng 40 points, habang nag­tala naman si Dwight Howard ng 19 points at 16  rebounds para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 111-107 panalo kontra sa Portland Trail Blazers noong Biyernes ng gabi.

Humugot si Bryant ng 11 points sa huling 5:30 minuto at nakamit ng La­kers ang kanilang pang-pitong panalo sa huli nilang 10 laro.

Nagdagdag si Antawn Jamison ng 16 points mula sa bench para ipalasap sa Portland ang season-worst nitong pang-pitong dikit na kamalasan.

Natalo ang Trail Blazers sa kanilang limang road games at 10 sa kanilang huling 11 asignatura sa la­bas ng Rose Garden.

Nagposte si J.J. Hickson ng 22 points at 11 rebounds para sa Portland, habang tumipa din ng 22 markers si Nicolas Batum at tumapos si two-time All-Star LaMarcus Aldridge na may 15 points.

Sa Oklahoma City, nagbida sina All-Star Russell Westbrook at Kevin Durant para ipanalo ang Oklahoma City Thunder, 127-111, kontra sa Minnesota Timberwolves.

Tinapos ng Thunder ang kanilang three-game losing slump.

Nagposte si Westbrook ng season-high 37 points, ha­bang nag-ambag ng 27 si Durant para sa Oklahoma City, naiwasan na matalo ng apat na sunod sapul noong Abril ng 2009.

Nagdagdag din si Westbrook ng siyam sa kabu­uang 28 assists ng Thunder.

ALL-STAR RUSSELL WESTBROOK

ANTAWN JAMISON

DWIGHT HOWARD

KEVIN DURANT

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MINNESOTA TIMBERWOLVES

NAGDAGDAG

NAGPOSTE

NICOLAS BATUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with