Heat sinuwag ang Bulls
CHICAGO -- Dumiretso ang Miami Heat sa kanilang season-high na siyam na sunod na panalo matapos kunin ang 86-67 tagumpay laban sa Chicago Bulls sa likod ng 26 points ni LeBron James.
Nauna dito, inilampaso ng Heat ang Oklahoma City Thunder bago ang All-Star break at iniskoran ang Atlanta Hawks noong Miyerkules bago giniba ang Bulls.
Humakot din si James ng 12 rebounds at 7 assists para sa arangkada ng Miami.
Nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 17 points para sa Heat na kaagad kinontrol ang first half para ipatikim sa Chicago ang kanilang pang-limang kabiguan sa nakaraang pitong laro.
Sinabi naman ng Bulls na hindi pa makakalapagÂlaro si Derrick Rose dahil sa kanyang knee injury.
Nagtala ang Chicago ng masamang season-high 27 turnovers matapos matawagan ng 29 kontra sa Washington noong DisÂyembre 4, 2004.
Tumipa si Nate Robinson ng 14 points para sa Chicago.
- Latest