Giniba ang Air 21 Barako isinalba ni Urbiztondo
MANILA, Philippines - Sadyang gustung-gusto ni Josh Urbiztondo ang spotlight.
Umiskor ng puntos, nagÂbigay ng magagandang pasa at umagaw ng mga loose ball, humakot ang Fil-Am pointguard ng 15 points, 5 assists at 4 steals para banderahan ang pagbangon ng Barako Bull mula sa isang 10-point deficit sa fourth quarter buhat sa kanilang 91-86 panalo kontra sa Air21 sa elimination round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa SM MOA Arena sa Pasay City.
Gumawa si Urbiztondo ng 13 markers sa final canto para sa pananaig ng Energy Cola laban sa Express.
“This team they have chaÂracter and they’re fighÂting until the end,†sabi ni active consultant Rajko Toroman.
May 2-1 record ngayon ang Barako Bull katabla ang ‘N Text (2-1) sa ilalim ng Alaska (3-0) at Petron Blaze (3-1) kasunod ang Barako Bull (2-2), Globalport (2-2), Rain or Shine (1-1), Air21 (1-2), Meralco (1-3), nagdedepensang San Mig Coffee (0-2) at Ginebra (0-3).
Ipinoste ng Express ang isang 10-point lead, 81-71, mula sa basket ni Mike Cortez bago nagpakawala ang Energy Cola ng mahabang 17-0 atake sa likod nina Urbiztondo, import Evan Brock, JC Intal at Mic Pennisi para sa kanilang 88-81 bentahe sa huling 1:45 nito tungo sa kanilang panalo.
- Latest