GenSan, MisOR boxers nagparamdam agad sa PLDT-ABAP Nat’l finals slugfest
MAASIN, Leyte, Philippines --Umiskor ng mga panalo ang General Santos City at MisaÂmis Oriental sa Day Three ng PLDT-ABAP NaÂtional Boxing Championships.
Tinalo ni Bago City bet Mario Jaga si Jerome LaÂbitag ng Sorsogon, 14-7, sa 48kg. junior boys pinweight division; dinaig ni John Patrick Dinolan ng Davao del Norte si hometown bet Jason Bacong, 15-10; pinasuko ni Hipolito Banal ng Mandaue si Jeffrey Orillo ng Maasin City sa first round (RSC); at pinayukod ni Joash Jordan ng General Santos si Jayson Ladrillo ng Leyte, 11-4.
Sa 52kg. junior boys light bantamweight class, ginitla ni Presco Carcosia ng Misamis Oriental si Alemar Javier ng Maasin City sa Round 2; at pinahiya ni Michael Javier ng Gensan si Mark Andy Austria ng Davao del Norte, 21-18.
Sa 50kg. girls flyweight fight, giniba ni Ruby Nicanor ng Maasin City si Nelia Uba ng Davao del Norte, 21-15.
Sa 46kg. youth boys pinweight catergory, pinaÂhinto ni Jason Amper (Cabadbaran) si Edwin Quinto (Zambales) sa round 3; umiskor ng RSC win si Gabriel Rabicyle (Davao del Norte) sa first round kontra kay RiÂchard Agora (Tayabas); ginitla ni Isagani Liaban (MisOr) si Jeric Panerio (Sarangani) sa first round; at binugbog ni Aljun Oro (Bago City) si Arvin Yordan (Lucena) via RSC sa round 1.
- Latest