^

PSN Palaro

Winalis ang Arellano sa NCAA football: 3-peat sa Lions booters

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinalos ng San Beda ang Arellano University, 2-0, para angkinin ang 88th NCAA men’s football na pinaglabanan kahapon sa ASCOM Field sa Taguig City.

Si Niel Dorimon at Miguel Caindec ang mga umiskor sa Red Lions sa first at second half para pangunahan ang paglapa ng koponan sa Chiefs.

Ito ang ikatlong sunod na titulo ng San Beda at ika-20 sa pangkalahatan. Kailangan pa nila ng isa upang pantayan ang da­ting kasapi na La Salle sa paramihan ng titulo sa football sa NCAA.

“Plano talaga namin na maging agresibo at kunin ang lahat ng pagkakataon na ibibigay sa amin,” wika ni Lions assistant coach Eliezer Fabroada na hina­linhinan ang coach na si Aris Caslib na may ibang pinagkaabalahan.

Ang mga Lions booters na sina Nhiboy Pedimonte at Ali Baldo ang nanalo ng individual awards para katampukan ang mabu­ngang taon sa koponan.

Si Pedimonte ang nanalo bilang Most Valuable Player habang si Baldo ang hinirang bilang Best Midfielder.

Ito naman ang pinakamagandang pagtatapos ng Arellano at si Alvin Obero ang lumabas bilang Best Striker at Scorer sa kanyang walong goals.

Ang mga kakampi ni Obrero na sina Mark Baldo at Kaiser Orcine ang nagwagi bilang Best Goalkeeper at Best Defender.

ALI BALDO

ALVIN OBERO

ARELLANO UNIVERSITY

ARIS CASLIB

BEST DEFENDER

BEST GOALKEEPER

BEST MIDFIELDER

BEST STRIKER

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with