^

PSN Palaro

NU, Adamson pakay ang titulo sa UAAP softball, baseball

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagtutuunan ngayon ng host National University at  Adamson ang mga kampeonato sa UAAP baseball at softball sa pagharap sa magkaibang katunggali ngayon sa Rizal Memorial Ballpark.

Ang nagdedepensang Bulldogs ay sasagupa uli sa Ateneo sa ikatlo at hu­ling laro sa baseball finals na magsisimula matapos ang ikalawang pagkikita ng Lady Falcons at National University sa ganap na alas-9 ng umaga.

Hanap ng Lady Falcons na masundan ang 6-2 panalo na naitala sa Lady Bulldogs para angkinin ang 14-0 sweep tungo sa ikatlong sunod na titulo sa softball.

“Hindi pa tayo nakakasiguro dahil hindi naman puwedeng biruin ang NU at tiyak na gagawin nila ang lahat para manalo. Focus lang kami,” wika ni Ana Santiago na aasa uli sa hu­say ng mga pitchers na sina Julie Marie Muyco at Rizza Bernardino.

Mataas ang morale ng Bulldogs matapos maipanalo ang tila talo ng laro sa Game Two noong nakaraang Martes.

Isinantabi ng tropa ni coach Isaac Bacarisas ang 6-8 iskor papasok sa bottom ninth nang umarangkada ang Bulldogs sa tatlong hits at tatlong runs tungo sa 9-8 panalo.

“Ito ang sinasabi ko na hanggang hindi pa nakukuha ang last out, hindi pa tapos ang laban. Kukunin na namin ito, sunud-sunod kasi iyan,” wika ni Bacarisas na kung mananalo ay maibibigay sa Bulldogs ang back-to-back title na hu­ling nangyari noong 1965 hanggang 1967 season.

Kakayahang buma­ngon mula sa masakit na pagkatalo ang ipakikita ng Eagles na nais na makuha ang kauna-unahang titulo sa baseball at pigilan na maulit ang nangyari noong nakaraang season.

Ang dalawang kopo­nang ito ang naglaban din at nakauna rin ang Ateneo pero natalo sa sunod na dalawang laro.

vuukle comment

ANA SANTIAGO

ATENEO

GAME TWO

ISAAC BACARISAS

JULIE MARIE MUYCO

LADY BULLDOGS

LADY FALCONS

NATIONAL UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL BALLPARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with