PSC ‘di makikialam sa gulo sa PVF
MANILA, Philippines - Mag-ayos kayo!
Ito ang mensahe ni PSC chairman Ricardo GarÂcia sa mga grupo sa volleyball na ngayon ay nagkakagulo sa liderato ng Philippine Volleyball Federation.
Si Gener Dungo na kiÂnikilala ng POC bilang pangulo ng PVF ay tila hinahamon ng grupo na pinamumunuan ng daÂting PVF official na si Tats Suzara at sinamahan nina PVF secretary-general Vangie de Jesus at board member Dr. Ian Laurel.
Ang grupo ni Suzara ay nagsagawa na ng tryouts para makapili ng manlalaro para sa national team na balak isali sa 17th Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa SetÂyembre na inaalmahan ni Dungo. Bunga nito, sina De Jesus at Laurel ay sinuspindi ni Dungo sa PVF.
Hindi naman makikisawsaw ang PSC sa gulong ito at mananatili ang suspension ng asosasyon.
“May nagpa-tryout pero dumating sa opisina ko si Dungo at sinabing hindi totoo ang tryouts. Kami sa PSC ay ayaw makisali sa ganitong gulo at mananatili silang suspindido hanggang hindi naipapakita ng kanilang team na sila nga ang pinakamahuhusay na manlalaro sa ngayon,†ani Garcia.
Ang gagawing Philippine National Games sa Mayo sa Metro Manila ang siyang gagamitin ng PSC para maging basehan kung sinu-sino ang karapat-dapat na masama sa national pool na kanilang susuportahan.
Nasupindi ang PVF nang natalo ang mga national players sa provincial teams sa PNG noong nakaraang taon bukod pa sa pandadaya sa time record ng mga manlalaro.
- Latest