^

PSN Palaro

Balayong Festival Offroad Challenge sa Puerto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagsasagawa ng 4x4 Puerto Princesa Bala­yong Festival Offroad Challenge sa ika-10 taon, mas malaki at kapana-panabik na karera ang nakatakda sa Marso 8-10 sa Brgy. Sta. Monica Tracks sa Puerto Princesa City, Palawan.

Patuloy ang suporta nina Puerto Princesa Mayor Edward S. Hagedorn at ng kanyang asawang si Oplan Linis head Ellen Hagedorn sa event at nagawang ipakilala ang kanilang lungsod bilang pinakabagong tourist destination sa bansa. 

Itatakda sa Puerto Prin­ce­sa ang inaugural leg ng FIM MX Asia sa Marso 22-24.

Ang MP TURBO-organized Offroad Challenge ang magiging pinakahu­ling bahagi ng Balayong Festival na magtatampok sa Foundation Day ng lungsod sa Marso 4. 

Nangako si Race Direc­tor Mike Potenciano ng magandang karera sa pa­ma­magitan ng launch party sa Mendoza Park kasama ang bagong supporting race na Enduro Cross at 4x4 category na tinawag na Veterans class.

Nakalatag sa 4x4 challenge ang regular Open, Open 4 & 6 Cylinder, Max 33, Novice at All Palawan Classes.

Suportado ng MORETA Shipping Lines, Toyota, Mossimo, Rota Wheels at Emerald Playa, hihigitan ng 2013 Balayong Offroad Festival ang 90 entries sa 4x4 races at 80 entries sa motorbikes noong nakaraang taon.

Pinalakas din ang mga local 4x4 riders sa pamamagitan ni Real Estate man Jong Balbon para maagaw ang korona ni Ton Dungca ng Pampanga.

 

 

ALL PALAWAN CLASSES

BALAYONG FESTIVAL

BALAYONG OFFROAD FESTIVAL

ELLEN HAGEDORN

EMERALD PLAYA

ENDURO CROSS

FESTIVAL OFFROAD CHALLENGE

FOUNDATION DAY

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with