^

PSN Palaro

Kinita sa huling 2-taon, nahigitan na ni Bustamante

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahigitan na ni Francisco “Django” Bustamante ang kabuuang kinita sa hu­ling dalawang taon matapos lamang ang buwan ng Enero.

Ang magandang laro na ipinakita sa 2013 Derby City Classic ang nagtulak kay Bustamante para magkaroon na ng $38,000.00  premyong napanalunan para pangunahan din ang money list matapos ang unang buwan sa taong ito.

Ang halagang naibulsa ay mas mataas kumpara sa $35,025.00 at $17,300.00 na naiuwi ng Filipino pool player noong 2012 at 2011.

Kumabig si Bustamante ng $20,000.00 nang hira­ngin bilang Master of the Table ng torneo matapos dominahin ang Banks Division, pumangalawa sa One Pocket Division at pumang-anim sa 9-Ball Division.

Halagang $10,000.00, $6,000.00 at $2,000.00 ang mga naibulsang gantimpala pa ni Bustamante sa mga nasabing torneo.

Ang kababayang si Dennis Orcollo ang nasa ika­lawang puwesto sa $22,000.00 habang ang Fil-Canadian na si Alex Pagulayan ang nasa ikatlo sa $21,250.00. Nalagay ang dalawa sa mga posisyong ito dahil din sa mga panalong nakuha sa Derby Classic.

Tampok na panalo ni Orcollo ay sa kategoryang Bigfoot 10-ball Challenge tungo sa $20,000.00 habang si Pagulayan ay naghari sa 9-ball Division at ibulsa ang $16,000.00 gantimpala.

Si Shane Van Boening ng USA na siyang number one sa kitaan noong 2012, ang nasa ikaapat na puwesto sa $16,350.00.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

BALL DIVISION

BANKS DIVISION

BUSTAMANTE

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY CLASSIC

DERBY CLASSIC

MASTER OF THE TABLE

ONE POCKET DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with