Arum naayos ang problema kay Rigondeaux
Kumilos agad si Bob Arum upang ayusin ang maliit na problema hinggil sa magaganap na unification title fight sa pagitan nina Nonito Donaire Jr. at Guillermo Rigondeaux sa Abril 13 sa Radio City Music Hall, New York City.
Nagkaroon ng gusot sa drug testing na gagawin sa dalawang boksingero upang matiyak na magiging malinis ang tagisan.
Nagdalawang-isip si Rigondeaux na pirmahan ang ipinakitang kontrata sa VADA dahil nakasulat ito sa salitang English at hindi niya maintindihan ang nilalaman nito.
Hiniling ng walang taÂlong WBA champion na bigyan siya ng kontrata na nasusulat sa salitang Kastila para maintindihan at saka niya ito lalagdaan.
“We got that resolved and we have a fight,†wika ni Arum.
Naunang sinabi ng maÂnager ni Rigondeaux na si Gary Hyde sa panayam ng RingTV, na gustong lumagda ng kanyang boksingero sa kontrata pero nais niyang malinaw niyang maintindihan ang nakasulat.
“I asked that the agreement be in Spanish so that Rigo would know exactly what he is signing off on. While Rigo has been tested for 13 years as the world’s leading amateur, I wouldn’t expect there will be any problem signing up for the VADA testing,†wika ni Hyde.
Natuwa naman si DoÂnaire sa huling pangyayari at isinasantabi na rin ang planong huwag daluhan ang press conference ng nasaÂbing laban sa Huwebes.
“I’ll take the plane to New York and take my chances,†wika ni Donaire sa kanyang official twitter.
Ito ang unang laban na haharapin ng dalawang boksingero sa taon at na kay WBO champion sa junior featherweight Donaire ang mga mata matapos ang dominanteng 2012 na kung saan siya ang kinilala bilang Fighter of the Year ng prestihiyosong grupo sa boxing sa pangunguna ng Boxing Writers Association of American (BWAA).
- Latest